Welcome to ZyberPH Developers. Be one of us! Read first our VIP RULES. For more info and guide you. Read our FAQ

[TUT]OPENLINE HUAWEI E5573CS-933

All no-tech discussion or things you don't know where to put goes here.
Post Reply

Topic Author
awing12193
Posts: 1
Joined: Thu Mar 24, 2016 11:59 am
    Linux Chrome
Has thanked: 2 times

[TUT]OPENLINE HUAWEI E5573CS-933

Post by awing12193 » Thu Feb 14, 2019 11:25 am

BIG CREDITS SA PINAGKUNAN KO NITO GUSTO KO LANG MA SHARE DIN DITO SALAMAT. ;) :ty:

Ang tutorial na ito ay para sa mga gusto maunlock at i-debrand ang kanilang E5573Cs-933. Maaari din po itong gawin sa pagfix ng nawalang reset button, nabago ang LAN MAC address, nabago ang SSID, at unknown WiFi Key.

Reminder: Wala po akong sagutin kung may masama pong mangyari sa device nyo, ito pong tutorial na ito ay tested ko sa device ko gamit ang windows 7 x64 laptop ko.

*Note: :exclaim :exclaim Gawa muna tayo ng screenshot ng Device Info ni 933 natin, punta tayo sa main dashboard. Or isulat mo nalang sa isang pirasong papel yung LAN MAC Address nya, isama mo na rin ang IMEI at S/N (Serial Number) nya dahil kakailanganin natin 'to sa future. Ngayon, simulan na natin ang procedure..

1. Install nyo muna mga driver (skip nyo to kung may naka-install na)

2. Open and remove natin si back cover, battery at sim card.

3. Hanapin mo o silipin mo yung bilog na gold sa gilid ng sim card slot at yung silver plate na kailangan natin i-bootshot o i-short.

Image

4.Kuha kayo ng manipis na wire o alambre o kung ano pa man na pwede mo gamitin pangshort na kakasya sa butas sa gilid ng sim card slot.

Image

5. I-short mo na yung dalawa at insert mo usb cable mo, once na maiconnect mo na sa computer, tutunog yung computer mo kapag nadetect nya yung device mo pero kung hindi, means, hindi maganda pagkakashort mo, ulitin mo lang.

6. Once na detected na, alisin mo na yung kung ano man yung ginamit mo pangshort at insert mo na yung battery at sim card.

Image

7. Open mo na si Balong USB Downloader, click Detect tapos hanapin mo sa dropdown menu si 3G PC UI Interface [BOOT_3G] at click 3 dots button sa baba ng dropdown menu at hanapin nyo si usbloader.bin at select nyo yun at after nun click Load button. Magloload na yun, makikita nyo sa baba, hintayin lang matapos at pwede nyo na i-close kapag narinig nyo na sa computer nyo na may nadetect na.

Image

8. Check nyo sa Device Manager ng computer nyo (optional lang to para makasigurado) kung nadetect na nga sila FC - Application Interface at FC - PC UI Interface under Ports (COM & LPT)

Image

9. Kapag detected na, install nyo si downgrade firmware (21.320.99.05.00), bago yan magstart may mag-iinstall munang driver.

Image

10. Install din si WebUI (21.100.32.00.03) o ito Globe WebUI (21.100.29.00.158). Pili lang kayo sa dalawa kung ano preferred nyo gamitin. [Sa stock Huawei, mapapalitan ang signal indicator nyo ng 4G, 3G at 2G at nework name dalawa lang makikita nyo, either SMART or GLOBE lang. Sa stock Globe, makikita nyo sa signal indicator nyo kung saang network kayo nakaconnect, LTE, HSPA, HSPA+, WCDMA, EDGE, GPRS etc. at makikita nyo rin yung tunay na network name ng sim card mo, either GLOBE, TM, ABS-CBN, SMART, TNT o SUN gamit ang Huawei HiLink app mo pero sa dashboard malaking logo lang ni GLOBE makikita mo, walang network name]

Image

11. Kapag ok na step 10, hintayin mo lang ulit madetect ng PC mo si 933 tapos run mo si DC Unlocker.

12. Sa DC Unlocker, click mo yung magnifying glass icon/button tapos hintayin mo basahin nya device info ni 933. Mapapansin mo sa device info, hindi nakaayos ang IMEI at Serial Number mo. Dyan tayo gagamit ng tinatawag na AT Codes para mare-write natin sila IMEI, Serial Number at LAN MAC Address.

Image

13. Sa ibaba ng device info natin, dito natin ita-type ang mga AT Codes, isa-isa.



A.) Code for Serial Number:

AT^SN=****************
(** - yan yung Serial Number mo)
[Press enter] dapat may OK na lalabas tapos next code naman

B.) Code for IMEI:

AT^CIMEI="****************"
(** - yan yung 15 digits IMEI natin, " " - kasama po ito sa code)
[Press enter] may OK ulit na lalabas tapos next code ulit

C.) Code for LAN MAC Address:

AT^PHYNUM=MACWLAN,************
(** - yan yung 12 alphanumeric LAN MAC Address natin, yan yung na-erase nung ginawa natin yung lumabas na 1st tutorial. Kung may backup kayo ng device information nyo galing dashboard before kayo nag-unlock dati pwede nyo maibalik yung dati nyong SSID at WIFI KEY pero kung wala, manghula nalang kayo ng sa inyo. May magiging bagong WIFI KEY din kayo depende sa computation ng LAN MAC Address na inilagay nyo. From numbers 0-9 at letters A-F lang yan ha, kayo na bahala dyan)
[Press enter] may OK ulit yan.
Kahit hindi sunod-sunod pagkaka-enter ng code, ayos lang. Kung saan kayo masaya.

Image

14 . Click ulit si magnifying glass icon kanina para macheck nyo kung pumasok nga yung code na inenter natin. Kung ok na, close na natin si DC Unlocker at dun na tayo sa next step.

Image

15. Install ConfigUpdater.exe (Sya yung magbabalik ng configuration natin. Sya din magiging susi sa nawalang WIFI KEY at RESET button natin) Hintayin nyo lang matapos.

Image

16. Kapag ok na si step 15, install nyo naman si updated firmware (21.326.13.00.00), may mag-iinstall ulit na driver.

Image

17. Kapag natapos na si step 16, magrerestart na si 933 at hintayin nalang natin sya magbukas. Ayos na yan. Unlocked with LAN MAC address, SSID, WIFI KEY at fully functional RESET button. I-reset mo ng i-reset hanggang magsawa ka



18. Bisitahin nalang natin dashboard ni 933 (192.168.8.1), default username & password is admin.

DOWNLOAD ALL FILES

:radpidfire https://drive.google.com/file/d/1kAHH2x ... dym9A/view

:radpidfire https://drive.google.com/file/d/1_WW7NA ... Hg_PH/view


Post Reply

Return to “General Discussion”