Welcome to ZyberPH Developers. Be one of us! Read first our VIP RULES. For more info and guide you. Read our FAQ

LUCIA JOAQUIN's STORY

Regarding Conspiracies,facts and theories in community, outer space, animals and things
Post Reply
User avatar

Topic Author
jhundgreat
Member
Member
Posts: 12
Joined: Sun Mar 20, 2016 9:33 pm
    Windows 10 Chrome
Been thanked: 1 time

LUCIA JOAQUIN's STORY

Post by jhundgreat » Wed Apr 19, 2017 9:20 am

LUCIA JOAQUIN'S STORY! Full Story
laura2.jpg
Rated Spg Story.
Alas Tres ng Madaling Araw ng Magising Ako, Dahil,
Nakaramdam Ako ng Pagka-ihi. Agad Akong Bumangon, At
Nagbanyo sa Pag Akalang Pagkatapos 'kong Umihi, Makakabalik
na 'ko sa Pagtulog. Pero, Nagkamali Ako. Dahil, Kahit Ano
'pang Pikit 'ko ng mga Mata ko, Ayaw na 'kong Dapuan ng
Antok. Naisip 'ko, Siguro mas Madali akong Aantukin
kung Papatayin 'ko Ilaw ng Kwarto 'ko, Pero, Mas Sanay
'kong Natutulog na Bukas ang Ilaw. Kaya Iyon nga
ang Ginawa 'ko, Tumayo Ako ng Kama At, Pinatay ang Ilaw
ng Kwarto ko. Pagkatapos, Humiga At Pinikit 'ko na
mga Mata 'ko. Pero, Bigo pa rin Ako kasi Ayaw na talaga
'kong Dapuan ng Antok.
Naisip 'ko na mag Facebook na lang kaya 'ko muna, Baka
Sakaling Bumalik ang Antok 'ko. Nakahiga 'kong Inabot
ang Isa sa Dalawa 'kong Cellphone na Nakapatong sa Mesitang
Katabi ng Kama 'ko, At Nagsimulang mag-Facebook.
Nasa Kalagitnaan Ako ng pagbabasa ng mga Posts ng mga
Kaibigan 'ko ng Makatanggap Ako ng Isang Message. At ng
Tingnan 'ko Pangalan sa Messenger, Napa-Isip Ako kung Kilala
ko ba siya? 'Lucia Joaquin', Ang Pangalan niya.
LUCIA JOAQUIN: Hi.
ENZO CRUZ: Hello.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede po 'bang Makipag-usap?
ENZO CRUZ: Ha? Tungkol saan?
LUCIA JOAQUIN: Kahit na Ano po. Wala po kasi 'kong
Makausap. Nalulungkot po ako.
ENZO CRUZ: Ganun ba? Bihira lang kasi 'ko Makahanap ng
Kausap sa mga Oras na 'to. Karamihan sa mga Friends 'ko,
Tulog pa.
LUCIA JOAQUIN: Bakit po kayo, Gising na?
ENZO CRUZ: Actually, Nagising lang ako. Nagpapa Antok lang
Ulit Ako, Kaya napa Facebook lang.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kaya Kuya kaya ka Nagising dahil may
Gumising sa'yo?
ENZO CRUZ: Ha? What do you mean Ate?
LUCIA JOAQUIN: Wala po kuya. Nga pala Kuya ang Pogi
mo. 'Nung Nakita nga kita, Nagkagusto Ako agad sa'yo eh.
ENZO CRUZ: Ha? Nakita Saan?
LUCIA JOAQUIN: Dito sa mga Pictures mo. Tinitingnan ko
kaya ngayon.
'Nang Mabasa 'kong Tinitingnan ni Lucia mga Pictures 'ko sa
Facebook, Agad naman Akong Pumunta sa Timeline 'ko, Para
Alamin kung ano anong mga Pictures mga Tinutukoy niya.
Pagkatapos, Pumunta naman Ako sa Profile niya para
Tingnan din mga Litrato niya Ngunit ganon na lang Aking
Pagtataka sa kanya.
ENZO CRUZ: Bakit Walang Laman ang Timeline mo?
LUCIA JOAQUIN: Kakagawa 'ko lang po kasi ng Facebook 'ko eh.
ENZO CRUZ: Tapos yung Profile pic mo, Ang Dilim ng Picture?
LUCIA JOAQUIN: Madilim po kasi dito sa Kuwarto eh.
ENZO CRUZ: Wala bang Flash ang Camera ng Cellphone mo?
LUCIA JOAQUIN: Meron naman po.
ENZO CRUZ: Gamitin mo para Malinaw ang Picture.
LUCIA JOAQUIN: Sige po. Nga pala Kuya Gawin kitang Close
Friends Dito sa Facebook 'ha?!
ENZO CRUZ: Sure. Sige.
LUCIA JOAQUIN: At Dahil, Close Friend na kita,Dapat Magkaron
Tayo ng Litraro na magkasama tayo.
ENZO CRUZ: O Sige Payag, Kapag Magkita tayo, Pa-Picture
tayong Dalawa.
Nasa ganon kaming Pag-Uusap sa Messenger. Ng Biglang
Naramdaman 'kong nag-Vibrate ang isa 'ko 'pang Cellphone.
Kinuha ko 'to para Tingnan. Ganon na lang ang Gulat 'ko
ng mag Flash 'to ng Pagka-Unlock ko.
Nakakapagtaka 'rin kung Bakit nag Vibrate Bigla, Wala
na'mang nag-Text o Miss Call sa'kin.
Muli pa Pinatong 'ko 'to sa Mesita.
LUCIA JOAQUIN: Kuya, Pwede 'bang Malaman kung Ilang taon ka
na po?
ENZO CRUZ: Sa Tingin mo? Ilan?
LUCIA JOAQUIN: Siguro mga 18? Haha
ENZO CRUZ: Binobola mo naman Ako eh.
LUCIA JOAQUIN: Hindi kuya yun ang Tingin 'ko sa'yo dito sa
Picture mo.
ENZO CRUZ: O sige na nga, Thank you. Pero sa Totoo, 25
na 'ko eh.
LUCIA JOAQUIN: Wow! Mukha ka talagang Bata Kuya.
ENZO CRUZ: Salamat ulit. Eh, Ikaw ba Ilang Taon kana?
LUCIA JOAQUIN: Anong Hula mo Kuya?
ENZO CRUZ: Mahirap Hulaan eh. Ang Dilim kasi ng Kuha mo
Dito sa Profile Picture mo.
LUCIA JOAQUIN: Gano'n ba. O sige Kuya Sandali At
Maglalagay lang Ako ulit ng Bagong Picture.
ENZO CRUZ: Oh, Sige.
LUCIA JOAQUIN: O, Ayan Kuya, Nakalagay na ako ng Bago,
Check mo nga.
ENZO CRUZ: Sige Tingnan 'ko sa Account mo.
Nang Pumunta Ako sa Timeline ni Lucia ay ganon na lang ang Pag
Tindig ng Aking mga Balahibo, Matapos Makita ang
Bago niyang Upload na Litrato. Sa Litrato ay Nakahiga siyang
Nakangiti sa Tabi 'ko.


PART 2
PART || :o 👽
Sa litrato ay nakahiga siyng nakangiti sa tabi ko
Kaya ako ay kinabahan sa nakita ko ngunit ng chinat ko muli si lucia
Sya ay naka-out na . at hindi na muling nagchat
Makalipas ng ilang linggo ay nakita ko ang post ng isang dalaga na nag ngangalang Kamille Rivera
Pinost nya ang litrato ng mga taong nag-iiyakan sa kabaong
At napansin ko sa caption nya sa kanyang post may nakalagay na "Justice for Lucia" agad kong tiningnan ang mga comments.
Nabasa ko sa mga comment na namatay si lucia dahil pinagsasaksak daw ito ng nga lalake
Hindi pa daw alam kung bakit ito nagawa sa kanya
Makalipas ang isang ilang araw muling nagchat saken si lucia
LUCIA: Hi
ENZO: (y)
LUCIA: Anong ginagawa mo?
ENZO:pwede ba ? Tigilan mo na ako ! Alam ko na lahat tungkol sayo
LUCIA: ahh ganun ba? Ano ba gusto mong gawin ko
ENZO: tumigil kana! Wag mo na akong ichachat.
.
At agad ko syang binlock sa fb
Hindi ako makatulog dahil sa mga naiisip ko tungkol kay lucia
Nagulat ako ng biglang may tumawag saken ng madaling araw at sinagot ko naman ito ngunit pinaty kaagad
Hindi ko kilala kung sino iyon dahil number lang ang nakalagay
Muli itong tumawag at sinagot ko ito
Nang masagot ko ito nagulat ako dahil ginagaya nya ang pagsasalita ko .
Binababa ko na ang tawag.
Hindi padin ako makatulog dahil lgi kong naiisip na bakit sken nangyayare ito
Agad kong tinanong si Kamille Rivera kung saan nakaburol si lucia
At kinabukasaan ay pumunta ako doon
Nakita ko ang isang babae na nakaputi nilapitan nya ako at sinabi saakin "Hello, tara lapit tayo sa kabaong" at hinawakan nya ang kamay ko
Napakalamig ng kamay nya
Ng makalapit na kame sa kabaong nakita ko ang nasa kabaong tiningnan ko ang kanyang muka
At nagulat ako dahil kamukangkamuka ng nasa kabaong ang nakahawak sa kamay ko
Agad ko syang tinanong ",kambal mo ba sya?" At bigla syang tumakbo
Hinabol ko sya at sinabi nya saakin "Ikaw lang ang makakatulong sa akin, Paalam"
At hindi ko na sya nakita dahil tumakbo lang sya ng tumakbo .


WATCH HER DOCUMENTARY VIDEO HERE


Source: http://www.luciajoaquin.com/story-4.html
You do not have the required permissions to view the files attached to this post.


Post Reply

Return to “CONSPIRACIES AND FACTS”